Posts

Wika ay Buhay na naglalarawan ng kultura ng ating bansa

  Wika ay buhay na naglalarawan ng Kultura ng ating bansa.                Isang mahalagang yaman ng isang bansa ang wika. Ito ang nagsisilbing salamin ng kultura, kasaysayan, at pagpapahalaga ng isang bansa. Maliban dito, napatunayan na rin ang halaga ng wika upang mas mapaunlad pa ang pamumuhay ng mga mamamayan. Dahil sa wika, maayos ang palitan ng mga ideya na mahalaga naman upang mapanatili ang pag-unlad. masasabi natin na kaluluwa ng ating bansa na nagbibigay-buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin ang nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan. Sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang tao kung sino tayoMeron tayong mga kahalagahan tungkol sa wika.   Mga Kahalagahan ng wika: 1. Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nitoay naipapahayag natin ang ...